Tulog Tayo!

Tulog Tayo! - Selamat datang di situs media global terbaru Xivanki, Pada halaman ini kami menyajikan informasi tentang Tulog Tayo! !! Semoga tulisan dengan kategori Thoughts !! ini bermanfaat bagi anda. Silahkan sebarluaskan postingan Tulog Tayo! ini ke social media anda, Semoga rezeki berlimpah ikut dimudahkan Allah bagi anda, Lebih jelas infonya lansung dibawah -->



Kung dati ang alok ay “baba tayo” o “yosi tayo” ngayon kaliwa’t kanan, halos lahat nang associate ganyan ang alok sa bawat isa..
Bawal na kasi matulog sa floor…kaya bawal na ang meme time sa station at sa kung saan man mang sulok ng production floor.
May iba na malalakas ang loob na natutulog sa sulok, yun yung mga tipong mga nakaw na sandali.:)

Kaya naman sa bagong patakaran (bago ba to?)kailangan mo pang humanap ng matutulugan para maka idlip lang ng kunti.
Meron naman sana sa18th floor, kaso jam-pack na dun pag lunch break.
Eh paano kung 15 minutes break lang ?Nasa 26th floor ka pupunta ka pa ba ng 18th floor?
Kaya yung iba natutulog sa Quiet room (coaching room).
Ang Quiet Room.Madilim…Malamig…May couch pa.
Kaso may isang quiet room na may may ari na at exclusive talaga.
At nagagalit yung may ari pag may natutulog.
Sa huling bilang, lima na ang “napagbawalan” dun.
Kami na matitigas ang ulo natutulog pa din dun.Walang choice eh.
Pero alam mo ba kung papaano sila pinagbawalan?
Bangungot.

Yep. Madami ng associate ang binangungot dun, sa kabutihang palad ay nagising naman silang lahat.
Grabe binangungot,within 15 minutes!

Nalaman namin na marami na palang associate ang nakaranas na bangungutin sa quiet room na  yun.
Sabi kaya daw ganoon ay ayaw daw ng sino mang nag mamay ari ng quiet room na yun ang may tao
sa teritoryo niya.Di kaya naiistorbo siya?

Hmmm.Marahil nagkataon lang ang lahat, siguro sa sobrang pagod  lang ng mga associate
kaya nangyari yun. Siguro nga..at lagi naman kasing may scientific explanation.

Siguro nga guni-guni lang namin yun…dahil kami din nang kaibigan ko binangungot dun.

Pero sana… magkaroon na ng maayos na sleeping quarter o rest area
ang night shift associates, nang hindi na kailangan pang makipag agawan sa tao man o hindi nang pwesto na matutulugan.

 _____________________________________
*Building and Quiet room no. is confidential


Demikian info Tulog Tayo!, Semoga dengan adanya postingan ini, Anda sudah benar benar menemukan informasi yang memang sedang anda butuhkan saat ini. Bagikan informasi Tulog Tayo! ini untuk orang orang terdekat anda, Bagikan infonya melalui fasilitas layanan Share Facebook maupun Twitter yang tersedia di situs ini.

Previous Post Next Post